Hindi naman ako taong bato. In fact, I can unabashedly cry in National Bookstore while thumbing through a Chicken Soup for the Cat Lover’s Soul that I’ve been reading privately in-store for 3 straight days. Pero ewan ko ba, pagdating sa retreat at recollection, di ko mafeel ang umiyak.

Minsan kasi, OA na eh. Parang ang yardstick ng success sa recollections ay kung napaiyak ba nito ang mga participants o hindi. Mula Grade 6 ako, laging ganito ang nangyayari:
a) The facilitator will ask you to think of your dad or mom, tapos asahan mong sasabihin nila na namatay sila bigla, at kesyo nasabi at naidemonstrate mo ba na mahal mo sila bago sila lumisan, etc, etc.
b) Kapag narinig nilang humihikbi-hikbi ang mga iba sa audience, itotodo pa nila ang melodrama level. Kesyo hinihintay lang daw ng parents na magbalik-loob sila, magsabi ng “I love you”, “hindi pa huli ang lahat” at kung anu-ano pang kacornyhan na bebenta lang sa mga characters ng Pinoy soap operas sa hapon.
c) Titigil lang sila pag humahagulhol na ang mga participants habang ang iba’y tumatangis ng “MOMMYYYY, wag nyo po kaming iwan, AYLABYU, Mommy! Papakabait na po ako!”
Well, today’s session was no different.





Recent Comments